Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tula. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tula. Ipakita ang lahat ng mga post

Setyembre 07, 2011

With Love

Sea breeze blowing
Trees dancing
Stars Shining
The moon smiling
with you, the one I'm loving.

Hunyo 13, 2011

Paano magbilang ng mga tala

Kulimlim ang kalangitan.
Tila nagbabantang
maluha ang kalangitan.
Wala ni isang tala
sa langit ang sumisilay,
pero kahit na nga ba ganoon
ay alam mong
nariyan lamang sila.
Madami,
kumikislap sa langit
kapag maaliwalas
ang panahon
at nagtatago sa ulap
kapag mga ganitong panahon.
At kung paano magbilang ng mga tala,
Parang pagbilang ng luha
Hindi mo magagawa.

Abril 21, 2011

Ulupong

Ang kalabang hayag ay madaling kilalanin.
Magsuot man ng iba't - ibang maskara,
Maaamoy mo ang taglay nyang lansa.

For the L democrazy,
thumbs up Philippines 2000,
Walang kumpa- kumpare
patungong strong republic,
ang tuwid na daan ---

Ang magagandang mga pangako,
Huwag mo nang hanapin kung nasaan.

Hindi matitigil ang pampulitikang pagpaslang,
At ang demokrasya'y hanggang pangarap lamang.
Pinalamutian ng dilaw na ribbon
Ang mantsa ng dugo ng sambayanan,
Sa palad ng mga may kasalanan.
Ang demokrasyang pinangangalandakan,
Harap - harapan ring yuyurakan.
Walang guro, doktor o siyentista't makata.
Tiyak patay kang bata ka!
Kapag napagtripan
Ng mga hinayupak na walang kaluluwa.

Hinding hindi ibabahagi sa mga magsasaka
Ang hekta-hektaryang lupa.
dahil ang hacienderong sakim
Ay ang ulupong na nasa Malakanyang.
At ang kanyang tuong pagyayabang
Walang wangwang,
Pero hindi ang mga katoto ang nais pasakitan.
Hindi na rin kasi kailangan,
Darating ang panahong luluwag rin ang daanan.
Itaas natin ang petrolyo
Pati ang toll sa daan
Pero hindi ang sahod ng mamamayan.
Tignan mo kung hindi
Mairarampa na ni panot,
Ang big time nyang tsikot.

Magbantay ka kaibigan
Marami pang tutuklawin ang ulupong.
Hindi pa man nag tatagal
Naghuhunos na ng kulay!