Hunyo 12, 2011

Nais Tumulo ng Aking luha

Nakararamdam ako ng kilabot sa aking puso. Tila isang diyablo ang nagbabadya ng pagpapasakit sa maraming mga tao. Hanggang kailan maghihintay ang mga ina sa mga anak na nawawala. Kailan mauubos ang pag asang wala na nga ang pinaka malapit sa puso nila. Isa, dalawa, hanggang habang buhay nila, patuloy silang mag aabang kahit ang lahat ay wala ng pag - asa. Hindi mailalarawan ang pighati sa puso nila. Ito'y parang hangin o tubig, pang araw - araw nalang sa kanilang buhay.

Nawawala pa rin si She, si Karen, si Jonas, at ang marami pang iba. Kahit bangkay o abo walang makapag turo kung nasaan. Ang pamilyang naghahanap, mga kaibigan, at kasama patuloy pa ring maghahanap. 

Ang mga inalayan nila ng panahon, busabos pa rin ng kahirapan. Ang mga dyablong sumira sa kanilang mga buhay ay naghahariharian pa rin sa kani - kanilang mga trono at walang konsensyang nakababagabag sa kanila.

Kung ganito ang mundong kinabubuhayan natin, paano mo ngayon sasabihin ang mga katagang "Happy Independence Day!" Kung hindi ka nakatitiyak kahit na, sa buhay na mayroon ka ngayon.

Halina, sumama ka. Magsama - sama tayo. Maging mga konsensyang uusig sa dyablo at kung hindi'y maging hustisyang hatid sa mga pusong nangungulila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento