Hindi naman masasama ang ugali ng mga tao dito, pero bakit lahat sumasama pag dating sa iyo. Masama kasi ugali mo. Hindi naman kami ang mag aadjust sa iyo dahil nag iisa ka lang at marami kami, ikaw ang dapat mag adjust sa amin mas madali yun at hindi ka namin uunawain lalo't naabot na ang sukdulan ng kaya naming ipag pasensya. Ngayon pasensyahan nalang tayo.
Hindi naman kasi kailangang sabihing matuto kang lumugar pero dapat marunong ka non. Hindi ako bossy, at lalong hindi masama ang ugali ko pero kailangan kong gawin na ito sa iyo ngayon. Hindi mo ako pwedeng ibaon ng buhay, mas kaya ko yong gawin sa iyo kung gusto ko lang pero hindi naman ako ganon ka sama.
Alam mo sana may magagawa kami para matulungan ka. Yun pa rin ang iniisip ng mga tao dito. Pero kung magpapatuloy pa yang ginagawa mo simulan mo nang magbilang ng araw, hindi ka tatagal dito.
Ang punto ko lang naman makisama ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento